*INCOMPLETE PICTURES* :)) *ate camille, upload ko po lahat pag maayos na connection, sorry po.*
sawadee kha. :)
wieeee. nakalabas din ng bahay. at nakapagbakasyon. in the truest sense of it. (kahit na nakakapagod magshopping)
ayun, masaya naman ung bakasyon namin. we went to bangkok with mommy's cousin, ate camille. :) it was really fun.
okay naman yung flight papunta, 3hrs lang. kaya halos 15mins lang ata ako nakatulog. at pinanuod ko na rin yung featured film na "dan in real life", okay naman. haha.
nakakatuwa yung ibang tao dun, lalo na yung taxi driver papunta sa hotel, kasi kahit di sya masyadong magaling mag-english, you can really feel his energy. tawa siya ng tawa habang nagkwekwentuhan sila ni daddy. at parating nakasmile. :) maganda rin naman ung hotel. baiyoke sky. tallest hotel nga daw in thailand ee. at cute din naman yung room namin. haha. tapos, shopping na kami sa mga stalls sa baba. kasi gabi na rin kami nakarating.
second day yung sa dreamworld. although pumunta na kami dun last time, pumunta uli kami para makita ni tita. :) masaya naman, kasi maraming cute na picture spots dun ee. haha, atska maganda ung mga landscapes. tas may mga thrilling rides din. :) masaya yung flying carpet at yung isang baliktad na roller coaster ride na nakalimutan ko na ang pangalan. haha, ang cute. :) at grabe, 2 lang kami ng tita ko dun sa space mountain. maaga pa kasi. ang dilim pa naman sa loob, katakot talaga. at first time ko nag-bump car. masaya pala siya. kahit na nakakahiya kasi stinop lahat ng cars nung narealize ni manong na ndi ako nakaseat belt at kinakausap nya ko pero ndi ko siya maintindihan. grabe, lahat ng tao nakatingin sakin. hahaha. :) ayun, iba pang rides. tas picture picture. ay may snowland pa pala. na ice lang naman talaga. hahaha. naka-shorts pa naman ako. tas ang iksi nung jacket na binigay sakin. pero nakaya ko naman. haha, ndi naman ako naging violet. :) haha. tas ayun, ay! nagpakain pala ako ng elephant!ang saya nun. kahit na kinakabahan ako. ang tanda na nga ni elphy e.. tas parang gutom sya kasi rinireach niya ung binebentang bananas. kaya, pinakain namin siya. :) medyo nakakatakot sa una, tas kitang kita ko pa yung texture nung trunk nya, medyo creepy. haha. gusto ko pa nga sumakay, kasi pde, kaso ndi na ako pinayagan ni daddy. next time, kung pupunta man uli kami sa thai, di na ko makakapayag na di makasakay nan elephant. hahaha. :)
ayun, third day..super shopping. haha, sulit naman. andaming choices at mura pa at cute pa. sa may chatuchak weekend shopping market at MBK na mall kami pumunta. tapos, ayun, tapos na. hahaha. ay nag-shopping pa pala kami dun uli sa stalls na malapit sa hotel namin. kasi sa may pratunam district yun. at yun talaga ang shopping district nan bangkok, kaya kahit bumaba lan nan hotel, andami nang stalls. :)
last day, more shopping. :)) naisip ko nga, nakakahiya naman kay tita dahil ndi nya nakita ung mga temples and other beautiful parts of thailand...kasi last time na pumunta kami, nag-tour na kami, kaya ndi na kami nagtour. pro naisip ko, kawawa naman tita ko. haha.
ayun, antagal nga pala namin naghintay sa airport... kasi naman 1pm lan late check out sa hotel e 11pm pa flight namin. kaya nagshopping uli kami hanggang 3pm. tambay sa hotel hanggang 4pm. tas punta na ng airport. aun, ang boring tuloy. haha. kaya lumibot-libot na rin kami sa airport dun. ang ganda nga nung shape nya e. at ang laki. un nga ata ung largest airport sa asia. newly rennovated kasi siya. :)
ayun. ano pa ba? haha. basta ayun, super nag-enjoy naman ako (magshopping). hahaha. pero ayun, masaya talaga. sana mabisita nyo rin ang thailand. phuket kung beach lover kayo. at bangkok kung shopaholic kayo. hahaha. ayan. :)
kop khun kha for reading. :) sawadee kha. :)
haha. mom and dad. 4 Comments
lobby of our hotel 4 Comments
feeding him/her :) 3 Comments
view from the 86th floor :)
|