my day started out well.
i enjoyed social dance even though we did far from excellent in the practical exam. (okay. we sucked. haha. sorry camille.) it was still fun.
i loved the day more when he sent me a text message. :))
we had a looooong break because we had no comm1. (thank God!)
philosophy was also miraculously interesting today.
and my individual discussion will probably be rescheduled next week. (thank God again!)
see! my day was picture-perfect.
..........
until it was time to go home.
here were the catastrophes that folowed:(they merely foreshadowed what would happen next)- we were separated from chantel, kristan, and camille while walking towards pedro gil.
- i almost slipped because of the slippery pavement.
- somebody got hurt.
- we found out that our friends left already.
- i had to try exiting the LRT twice because the bar didn't work at first.
AND THEN.....(tatagalugin ko para mas emosyonal. haha.)- napansin ko na medyo deformed ung MRT card ko (na linagay ko sa backpocket ko nung uwian). as in sobrang hindi talaga prominent yung damage kaya hindi ko pinansin.
- pagka-bili ni Nikko ng card nya, pumunta na kami dun sa entrance bars (o kung ano man tawag dun).
- pinasok ko ung card ko, tapos... TICKET REJECTED GO TO THE TICKET OFFICE.
- nangiilam pa yung manong sa likod ko tas sabi nya, balikatad siguro. (manong, nakasakay na naman po ako sa MRT. pero salamat sa concern)
- triny ko dun sa katabing entrance. TICKET REJECTED GO TO THE TICKET OFFICE.
- so siyempre, pumunta na ko sa ticket office. (nandun na nga pala si nikko sa kabilang side)
- manong guard: bakit?
- ako: rejected po kasi eh.
- manong guard: (tinignan card ko) ai, patay, hindi na yan pwede!
- salamat sa support at optimism niyo manong.
- manong guard: sige, tanong mo dyan sa loob.
- ako: pipila po ako? (medyo mahaba)
- manong guard: hindi, sumingit ka na lang dyan.
- so siyempre, pumunta na ko sa dun sa gilid ng ticket office. pero hindi ako makasingit sa mga tao. i'm not good at those things, especially when all the competitors will do anything to get home as soon as possible. whatever it takes.
- kaya, pumila na lang ako.
- habang nasa pila ako, tinuro ni nikko ung mga mama dun sa harap, sumisingit ba naman! na-reject din ata tickets nila kaya sumingit na nga sila dun sa harap. argh! pwede pala talaga sumingit! grrrrr.
- nung ako na, sinabi ko kay ate na na-reject yung ticket ko. kinuha nya. tinignan. pinasok sa machine nila. ayaw din ata. nag-diskusyon pa sila nung isang ate sa office. hanggang sa sinabi nila, pumunta daw ako dun sa ticket office dun sa other end.
- so pumunta naman kami ni nikko. (kawawa talaga si nikko. sorry!!!)
- pagdating ko dun sa kabilang ticket office, tinignan na naman nung ate. sabi niya, "HINDI NA YAN PWEDE." ate, 70pesos pa laman niyan! gusto ko talagang sabihin sa kanya yun. grabe, wala siyang puso.
- siyempre, nakiilam na naman yung manong sa likod. (ibang maning na toh ah).
- "friendly" manong: stored value ba yan?
- ako: opo.
- "friendly" manong: bago?
- ako: twice ko pa lang po nagagamit.
- "friendly" manong: ano bang problema?
- ako: (pinakita yung card) ito po oh.
- "friendly" manong: yan lang? sabihin mo! ipaliwanag mo!
- ako: (frustrated na. hahahaha.)
- dahil feeling ko wala talagang puso si ate. pumila na lang ako dun para bumili ng bagong stored value card.
- 100pesos un. 500pesos na buo yung pera ko. "WALA NA PO BA KAYONG SMALLER BILL?" pinakita ni ate yung 500 nya. siguro kakabayad lang sa kanya. shem. wala pa siyang panukli. e ung isa ko pang bill, 500 din at simut na simut na barya ko. how lucky can i get.
- so punta naman kami ni nikko dun sa isa pang ticket office (iba pa dun sa una). natuwa pa ako kasi nakakita ako ng maraming 100's dun sa parang box ni ate. so, sinabi ko na na pabili ng stored value card na 100. biglang, "DUN PO KAYO SA KABILA."
- pagtingin ko dun sa pila, ANG HABA.
- ako: O.o
- manong guard: ano daw?
- ako: hindi na daw po pwede. (sad face)
- manong guard: patingin nga. (kinuha yung card) eh kakabili mo lang naman nito diba?
- ako: nung thursday pa po eh.
- manong guard: ah. kaya pala. kasi iingatan mo yung card mo. hindi pwede masira.
- ako: osige po, salamat kuya. (kahit pa po hindi nyo sinabi, kung pwde lang, ipapalaminate ko na mrt at lrt cards ko from now on :)) )
- manong guard: san ba kayo pupunta?
- ako: north avenue po. (hanggang ayala lang si nikko pero kailangan ko pa ba i-explain sa kanya yun?)
- manong guard: ah. edi dun ka na lang sa line na yun oh. maiksi pa. pang north ave na single journey lang dun.
- ako: ah. okay po. (I LOVE YOU MANONG!)
- so pumunta na ako dun sa pila. siguro, kung wala pa silang barya, o hindi ako pwde dun, o kung ano pa mang kamalasan, MAGLALAKAD NA LANG AKO PAUWI. pero wala naman. whew. nagkaron na rin ng matinong card.
- so ininsert ko na ung card dun sa may entrance. with matching kaba pa yun. kasi grabe ng kahihiyan sa mga staff ng MRT kung magka-problema na naman diba?
ATLAST, nakapasok na din.i couldn't apologize to nikko enough for the delay.
we spent about 20 minutes just shuffling from one ticket office to another.
good thing, he was patient (and very very very optimistic) all throughout.
or atleast that's what he showed me. haha.
how would i know if deep inside he thought that HE WILL NEVER GO HOME WITH SUCH A LUCK-DEPRIVED PERSON EVER AGAIN?
"i know it hurts. for what it's worth. it can only get better."
"'cause you had a bad day."
-kinakanta ni nikko habang nasa train na kami-
yes nikko,
i had a bad day.
but what matters most.
is that it was such a funny adventure.
i have to admit,
i got really frustrated.
but when i remember the things that happened.
i just couldn't help but laugh at myself.
i just couldn't believe that A SERIES OF UNBELIEVABLY UNFORTUNATE EVENTS even occur outside the pages of Lemony Snicket's books.
believe me, they do.